Wednesday, October 17, 2007
Anu ba't isang araw na ako'y rumaan sa papuntang Antipolo ay nadismaya ako sa aking nakita. Simula sa may Holy Angel's hanggang sa makalampas ang Earthman ay nagkalat ang basura sa karsada at hindi lamang po iyon: NAPAKABAHO ng buong palibot at talagang napakalayo ng abot ng masamang amoy. Iyon pala ay balita ko'y maging ang mga taga Maynila ay rito na rin sa atin nagtatapon ng kanilang mga basura. Alam kong saan man makitapon ng basura ang anu mang pamahalaang lokal ay may kaukulang kabayaran. Mayor, kung ito ay hindi naman napakalaki ay bakit kailngang ilagay mo sa alanganin ang kalusugan ng mga kababayan nating nakatira sa malapit sa basurahan? At kung malaki naman ang bayar ay ito ba dapat ang maging kabayaran? Ang kalusugan ng taong bayan? Ang mapulaan tayo ng mga taga ibang lugar na rumaraan at bala na'y magsabing saksakan nang baho ang ating basurahan? Bakit ba ganuon lagi Mayor, na kapalit nang pera ay kaming mga kababayan mo ang laging kailngang magdusa at tumikim ng masamang epekto ng kapabayaan mo? Magmula sa pagkakalat ng putik at alikabok dahil sa itinatayong "Save More" hanggang sa mga basurang ito ay iisa lamang ang malinaw sa akin: kaya mo palang isakripisyo ang aming kapakanan kapalit ng pera.
Monday, August 13, 2007
Kaninong bulsa?
Anu ba ito at ang dating harapan ng Home Economics Bldg. ng dating Mababang Paaralan na kinagisnan ko ay anu ba't naging pilahan at paradahan na ngayon ng mga jeep! Aba, nagkasira-sira na ang semento na dapat sana ay niraraanan ng mga tao, anu ba't naging raanan na ng mga jeep. Bakit walang nagrereklamo? Bakit walang nakikinig kung sakaling may magreklamo man, samantalang halos araw-araw ay nariyan lamang sa malapit ang mga pulis-pulisan at traffic aides? Tsk...tsk.... hindi kaya tama ang hinala kong walang remedyo riyan at walang magbabawal dahil may mga bulsang nalalagyan??? Hoy! Magsigising kayo at baka isang araw ay hindi ako makatiis ay ma citizen patrol ko na kayo!
Sino ang kumita?
Siguro naman po ay hindi maikakaila sa lahat ng tao ang eksenang ito sa kahabaan ng kabayanan dahil sa mga natuyong putik na nababagsak sa malalaking trak na naghahakot ng lupa papunta sa itinatayong "Save More". Siguro rin po ay hindi naman mahirap na intindihin kung ano ang pinsalang pwedeng idulot ng alikabok na iyan sa mga tao lalo na sa mga bata. Ano ba ang ginagawa ng mga namumuno sa ating bayan at hindi nila makontrol at maiwasan ang pangyayaring kagaya nito? Sapat na bang makinabang ang iilang mamamayan para isakripisyo naman at mapurwisyo ang kapakanan ng iba at mas nakakarami? Mayor, gising naman po. Walang masama sa magkaroon ng pagbabago at pag asenso pero huwag namang itaya ang kalusugan at kapakanan ng ating mga kababayan sa proseso. Sa nangyayari po ay lalo lamang imiigting ang galit sa puso ng ating mga kababayan dahil sa kung sino pa ang mga taong nakinabang at kumita rito ay sya pang bingi at bulag sa mga eksenang katulad niyan. Gising naman po!!!
Monday, February 12, 2007
Gising! Mga kababayan!
Aba'y gumising kayo mga kababayan ko at baka isang araw ay mamulat na lamang ang ating mga mata na Ynarez town na itong bayan natin. Lahat na lamang ng pakakas at proyekto ay nilalagyan ng pangalan nila na higit na mas malalaki pa kaysa sa pangalan ng mga taong higit na dapat na kilalanin ang pagpapakahirap sa pagsasakatuparan ng mga proyektong ito. Sobra na itong pamumulitika at paniyak na maski isang paslit na bata ay hindi na makakalimutan ang letrang "Y" at ang "Ynarez" na nakatatak na sa kanilang isipan sa sobrang rami ng mga ito sa buong bayan ng Morong. Pati ang mga proyektong hindi naman nila sponsored ay animo ay sila ang nag sponsor para matulungan ang ating mga kababayan. GRABE NA TALAGA!!!!! GISING MGA KABABAYAN!!!
Thursday, November 30, 2006
Bagyong Reming, paparating na.
Ang bagyong si Reming ay paparating na sa raw na ito ng Huwebes, ika-30 ng Nobyembre, 2006. Ang lahat ng klase sa lahat ng antas sa Maynila, Laguna, Cavite, Rizal at Catanduanes ay kanselado na kahapon pa lamang. Ito raw ay higit na mas malakas sa nakaraang bagyong Milenyo. Mga kababayan, alam naman natin ang pinsalang idinulot ni Milenyo at sana, sa pagkakataong ito ay paghanraan ang pagrating ni Reming para maiwasan ang mga pangyayaring naganap na, ano po. Isa sa aking iniisip ay ang basurahan na tiyak kapag umulan ng malakas at bumaha ay babalik ang basura sa mga kanal at diretso sa kabayanan. Ang nakakatakot po ay ang epekto nito sa ating lahat na maaaring pagmulan na naman ito ng maraming sakit lalo na sa mga bata. Maghapon pang hihintayin ang pagrating ni Reming. Sa maghapon ay mahaba pa ang oras na pwedeng gugulin. Sana'y malinis ang mga kanal at nang maiwasan ang baha.
Sunday, October 22, 2006
Sobra na


Talagang sobra sobra na ang pinsalang dulot nito at kahapon ay ako mismo ang nakasaksi kung gaano karami ang lupang tumapon sa trak at nagkalat sa karsada. Ano bang ginagawa ng mga pulis at hindi nila ito mapatigil. Pwede naman nilang pagsabihan na lagyan ng takip ang trak para maiwasan ang pagtapon ng lupa. Aba'y balita ko'y kaya hindi gaanong pinapansin ay dahil may lagay ang mga pulis patolang ito. Tsk...tsk...paano ba tayo magtutuwid kung sa kaunting lagay ay tatahimik tayo at magbibingi-bingihan sa mga nangyayari sa ating palibot. Ngayon ay sobrang alikabok ang dulot nito at talaga namang magtatakip ka ng husto ng ilong mo para hindi mo malanghap ang katakut-takot na alikabok. Hoy, mga pulis patola....gumising kayo!!!!!! Hoy mga manggagawa ng construction na ito...magsigising kayo at linsin ang kalat ninyo. Hmmm...san kayang ahensya ng pamahalaan pwedeng ireklamo ito? Sa Abs-CBN kaya?
Thursday, September 21, 2006
Rito pala galing


Nakita ko na ang salarin. Rito pala galing sa lugar na ito ang mga lupang tumatapon sa karsada. Naghahakot pala sila ng lupang panambak sa ginagawang construction rito. Walang masama, pero sana ay ayusin nila ang paghahakot at pwede namang takpan ang lupa sa trak para maiwasan ang pagtapon at pagkakalat, hindi po ba? Halos lahat ng karsada sa buong bayan ay may mga lupang natutuyo at nagiging alikabok.
Malaking Problema


Malaking problema ngayon sa kabayanan natin ay ang pagkalat ng mga lupa na nahuhulog sa malaking trak na naghahakot ng lupa. Kapag natutuyo ang lupang ito ay nagiging alikabok at napakasama nito sa kalusugan natin lalo na sa mga bata. Pwedeng maging sanhi ito ng hika o pag-ubo dahil kapag mainit ang araw ay talagang maalikabok. Walang masama sa maghakot sila ng lupa pero sana naman ay gawan nila ng paraan para walang tumapon at magkalat sa karsada para makapinsala sa iba.
Friday, September 15, 2006
Basurahan


Ang basurahan sa Taghangin. Malayo pa ay makikita mo na ang nagkalat na basura sa paligid at sa karsada. Malayo pa'y naaamoy mo na ang mabahong basura kahit hindi mo pa nakikita. Walang anu-ano'y bubulaga na sa iyo ang namumutok na basurang nakatambak sa ginawang basurahan. Hindi ka pa nakakalapit ay maaamoy mo na ang basura at mapapalibutan ka na ng napakaraming langaw at lamok. Hindi pa ako kalapitan sa basura ay nagkakamot na ako ng aking binti. Gusto kong masuka pero pinigilan ko. Naruon ang mga batang nagbabasura at nakausap ko pa. Tinanong ko kung bakit nakalabas na halos ang mga basura sa karsada. Wala na raw kasing paglalagyan sa loob. Kung titingin ka sa loob ay makikita mong pinalayo na ang sakop nito at pinalayo na ang naaabot ng pwedeng mapagtapunan. Sabi ko'y bakit hindi hakutin sa bandang loob ang mga basura. nagulat ako sa sagot nila at sinabing hindi pwede dahil lumulubog pala ang gitnang parte ng basurahan. O, naniwala na kayo na ang parte ng basurahan na ito ay parte ng tubig na naggagaling sa Teresa at San Guilmo at diretso sa ating ilog sa kabayanan. Kaya ang basurang itinatapon natin ay heto at babalik at babalik rin sa atin sa kabayanan. Hindi man magbara ang mga daluyan ng tubig at magdulot ng pagbaha sa atin ay tiyak na may sakit naman na ibabalik sa atin. Sa napakaraming langaw na nakita ko'y walang sablay na maraming sakit na dulot iyan. Ang basurahang ito na pinipilit na maitago sa likod ng mga yero subali't nagpupumiglas at kalikasan na ang mismong gumagawa ng paraan para maibalik sa atin ang naitapon natin, ay siyang pagmumulan ng maraming sakit at suliranin ng ating lokal na pamahalaan. Hindi man aminin ng mga namumuno sa atin na ito ay isa sa pinakamalaking problema ng ating bayan......Ang basura......


...na napakalaki na ng nasasakop at nasa hanggang sa kadulu-duluhan na ng lupang ito, ay diretso ulit sa ilog natin at kusang babalik kapag umuulan. Hindi man umulan at dumaloy sa ilog, ay tiyak paghangin naman ay tuloy sa kabayanan ang mabahong amoy. Hindi man magdulot ng sakit at napakaraming langaw......
Matitigas ang Ulo


Aba'y saan ka ba nakakita ng ganitong katitigas ang ulo na mga drivers at kung magbaba at magsakay ng pasahero ay halos tumigil na sa gitna ng karsada at wala ka nang maraanan pa. Hindi lamang dahilan gn pagta traffic sa kanto ng Sagbat ang isang iyan kung hindi peligro rin sa mga sasakyan at malamang na maging dahilan pa ng aksidente. Sana naman ay maaksyunan ng munisipyo ang problemang ito. Hidni yata natatakot sa mga kinauukulan ang matitigas ang ulong mga ito.





